Lola ng classmate ko

March 7, 2025

So may kailangan kasi kaming tapusin na project dahil kinabukasan na yung deadline, at balak namin dun matulog sa bahay ng classmate namin para sabay-sabay na kami papasok kinabukasan. So habang ginagawa namin yung project, nag-e-enjoy pa kami at nagtatawanan. Then nagutom kami, naisipan namin magluto ng pancit canton. Habang niluluto ng isang classmate namin yung pancit canton, yung classmate namin na may-ari ng bahay ay umakyat sa taas para kunin yung kulang na materials. Eh ako, curious kung ano meron sa taas at kung ano itsura ng taas ng bahay nila kaya sumunod ako.

Pag-akyat ko ng hagdan, may sala pa dun na may bintana bago makarating sa kwarto. So lumingon ako dun kasi baka nandun yung classmate ko, pero ang nakita ko ay isang lola na nakaupo sa upuan at nakatingin sa bintana. Akala ko lola niya na nagpapahinga. Tapos dumiretso na ako sa kwarto niya. Pagdating ko sa kwarto niya, tinanong niya ako ng nakatawa, “Hahaha, Ano ginagawa mo dito?” Sabi ko, “Wala, gusto ko lang tignan kwarto mo.” Tapos pinakita niya naman, and bumaba na kami at hindi ko agad sinabi sa kanya yung tungkol sa lola.

Nung kumakain na kami, dumating yung mama at papa niya galing sa business store nila, mga 7 or 8 PM na ‘nun. Nangumusta lang sa amin at sa project namin, at sinabi din nila na kumain na daw sila sa tindahan at aakyat na para matulog. Kami naman, tuloy lang sa pagkain hanggang matapos. Tapos nagsabi ako na ako na maghuhugas ng plato dahil nakakahiya naman.

So habang papunta ako sa kusina, may nakita ako sa maliit na lamesa, picture ng lola, yung lola na nakita ko sa taas. Ang nakakatakot ay may nakasulat na “In Loving Memory Of.” Dahil ayaw kong matakot at magsisigaw, nagpasama ako sa classmate ko na may-ari ng bahay na magkwentuhan kami sa kusina habang naghuhugas ako ng plato para hindi ko maisip yun.

Pagkatapos nun, hindi ako nakatulog buong gabi, at tuwing may invite yung classmate ko sa bahay nila, nagdadahilan na lang ako o sinasabi ko na lang kung pwede sa bahay na lang namin o dun na lang sa bahay ng isang classmate namin kasi mas malapit din naman, at ayaw ko din sabihin sa kanya baka matakot pa yung classmate ko na yun kasi matatakutin din siya.