Lalaki sa kusina

March 9, 2025

Dito kami sa city nagrerent ng bahay ng kapatid ko dahil andito ang work namin, at nasa probinsya ang parents namin. Yung kapatid ko usually ang nauunang umuwi sa bahay, mga 7 pm, at ako naman, mga 10 pm na dahil sa OT. One night, pagkauwi ko, ay parang weird ang pakiramdam ko pero hindi ko na masyadong pinansin at umakyat na ako sa taas para magbihis at silipin yung kapatid ko sa kwarto niya. Naglalaro siya sa laptop na lagi niyang ginagawa para antukin siya. So ako naman, pagkabihis sa kwarto ko, ay bumaba na para kumain. Habang kumakain, nanonood ako ng mga videos sa Facebook at TikTok hanggang sa nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng CR. Akala ko kapatid ko lang at hindi ko namalayan na dumaan sa likod ko. Hinintay kong lumabas habang kumakain ako, at hanggang matapos ako, walang lumabas. So naghugas na lang ako ng pinagkainan ko at nasa likod ko ang pinto ng CR, pero wala naman akong naramdaman. Naglinis muna ako ng kusina at CR bago umakyat at matulog. Pagkatapos kong malinis ang CR at kusina, pinatay ko na ang ilaw, yung switch nga pala ay nasa may hagdan paakyat. Bago ako umakyat, sinilip ko muna ang kusina kasi may liwanag na galing sa labas ng bintana kaya makikita mo pa rin yung kusina at CR. Pero nagulat ako nung may nakita akong lalaking maitim na matangkad mga 7-footer na nakatayo sa pinto ng CR. Sa sobrang taranta ko, napatakbo ako sa taas at hindi ko na nagawang sumigaw kasi baka matakot ang kapatid ko at mas lalo pa kaming magsisigaw. Kaya dumiretso ako sa kwarto niya at sinarado ang pinto. Gulat na gulat siya bakit parang natataranta ako. Sabi ko na lang ay nakakatakot kasi yung pinapanood kong video sa TikTok. Tinawanan niya ako at sinuot niya ulit yung headset at tumuloy sa paglalaro. Maya-maya, nung kumalma na ako, may narinig akong yapak paakyat sa kahoy na hagdan namin. Napatulala ako bigla habang nakatingin sa kapatid ko na nakatalikod. Pinipilit kong hindi sumigaw at matakot, hanggang sa wala na akong naririnig na ingay. Pero hindi ko pwedeng buksan yung pinto at sinabi ko na lang sa kapatid ko na kung pwede, dun na lang muna ako matutulog sa kanya ngayong gabi, at pumayag naman siya. Kinaumagahan, sumabay ako sa kanya ng alis at nagtaka siya kasi ang pasok niya 5 am at ako naman ay 8 am, pero sasabay ako sa kanya. Sabi ko na lang ay maraming gagawin sa office, pero ang totoo, gagamitin ko ang time na yun para maghanap ng bagong lilipatan namin.