Batang ngumiti sa akin

March 6, 2025

Kwento ko lang yung nangyari sa akin. Dahil nga bakasyon, umuwi kami dito sa probinsya kasi matagal na din kami hindi nakakauwi dito. Syempre, kumustahan kami sa mga pinsan ko na nasa kabilang bahay at mga tito at tita, sabay-sabay kaming kumain at kwentuhan. So, okay naman yung ilang araw namin dito. Pero kahapon, mga 4 PM, nasa kwarto ako nagce-cellphone, nauhaw ako, at pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig at umihi na rin sa CR. Napansin ko walang tao, si mama at si tita pala namalengke, yung ibang mga pinsan ko nasa kabilang bahay, so ako lang mag-isa, which is okay lang naman.

Ito na, pag-inom ko, kasi may pintuan sa likod na may malawak na space at mga puno yung view, yung mga ginagawang dirty kitchen sa probinsya. Tapos nagulat ako, may sumilip na bata sa pintuan na nakangiti sa akin. Hindi naman ako natakot kasi akala ko naglalaro lang sila ng taguan ng mga pinsan ko at dun siya nagtago, at ngumiti siguro siya sa akin kasi baka pagalitan ko siya o sawayin, pero inignore ko na lang at pumunta na sa kwarto.

Tapos ito na, pag-uwi nila mama, nagluto sila at kwentuhan sa kusina. Tapos ako, lumabas na ulit ng kwarto, dumiretso sa kusina para tignan sila mama. Nung nakita ko yung pinto, natanong ko kay tita yung bata na may balat sa mukha. Tapos nagulat siya. Paulit-ulit pa niyang tinanong kung pareho ba kami ng bata na tinutukoy. Nang ma-confirm niya na yun nga yung tinutukoy ko, bigla siyang napa-“Hala!” at bigla niyang sinabing patay na yun 3 months ago lang, nasagasaan habang naglalaro ng habulan.

Ayun, takot na takot kami ni mama, at si tita naman, kinagabihan, nagtirik ng kandila sa likod ng bahay. Buong linggo kami ilag na ilag pumunta sa likod ni mama kasi nga kami lang ang may alam nun bukod kay tita.